Make a blog

jean-un-dela-cruz

2 years ago

TINGKO BEACH

                                             TINGKO BEACH
  •              Maraming turista ang  naliligo dito sa Tingko Beach sa unahan sa Alcoy.Dito sa Tingko beach ay  mapuputi ang mga buhangin,presko ang hangin at marami ding mga puno.Meron din itong Cattage na pagtutuluyan ng mga tao.                                                              

 

2 years ago

ESCUELA CATOLICA SA BOLJOON

                                                 ESCUELA CATOLICA SA BOLJOON

 

  •                   Ito ang Escuela Catolica sa Boljoon na itanayo noong 1940.Dito sa Escuela Catolica nag nag aaral mga bata  noon,pero ngayon hindi  na dahil sa luma na ito.Marami mang mga turista ang pumupunta  dito atgusto nilang makita ang nasa loob ng Escuela Catolica sa Boljoon,pero ipinagbawalan sila na pasukin ang Escuela Catolica sa Boljoon.Kahit kami, hindi kami makapasok dahil bawal daw,hindi naman  namin natanonkung bakit? Matagal na itong itinayo,noong 1940.Alam n'yo maraming bagyo ang dumarating ang lindol,bagyong  quenie, ang yolanda at marami pang iba,pero nakatayo parin hanggang ngayon,  hanggang umabot  ito 2015 nakatayo parin ang Escuela Catolica hanggang nagyon

 

2 years ago

ILI ROCK SA BOLJOON

                                                ILI ROCK SA BOLJOON

 

  •       Ang Ili Rock ay isang heritage ng boljoon.Ito ay isang malaking bato na parang bundok kung tingnan.Ang Ili Rock ay berde ang kulay ayon sa dami ng mga puno nito.Isa ito sa mga magagandang tanawin sa Boljoon.Ngunit pagkatapos ng lindol noong Octubre 15,2013 ay natakot ang mga tao sa Ili dahil sa mga bato na bumagsak sa kalsada at baka gumuho na lalo ang Ili.Makaraan ng ilang buwan ay nawala din ang kanilang takot dahil naging matibay ang Ili.Isa parin itong magagandang tanawin sa Boljoon hanggang ngayon.Nakikita naman natin ang Ili Watch Tower Ruins ay napakagandang kulay,kulay asul ang dagat kung kaya't tintawag na Blue Seas.Ang dagat na kulay asul o blue seas ay malalim itong tingnan.Ang mag tao sa Boljoon ay naliligo lamang sa mababaw na tubig sa dagat na ang kulay ay puti.Meron din itong maraming malalaking Pagong na nasa dagat ng Ili Watch Tower Ruins.Ang mga tao sa Boljoon ay hindi makaligo sa malalim,dahil natakot sila na malunod o kaya'y may humigop sa kanila.Ang mga mangingisda lamang ang makapunta sa kulay asul na tubig.